Reaksyon sa “Babae” ni Inang Laya
Ang babae ay sadyang nilikha ng diyos para sa mga lalaki upang sila’ay pagsilbihan at damayan sa lahat ng oras ng kanilang pangangailangan. Sa kabila nito sila’y nilikha ring dapat igalang at bigyan ng karapatan. Hindi lamang mga lalaki ang may karapatang magkaroon ng mga karapatan sa lipunan maging ang mga babae rin. Hindi sa lahat ng oras ay dapat silang alilain at pahirapan at dapat ay huwag ipagkait ang kanilang karapatan na lumaya.
Ang babae sa kantang “Babae” ni Inang Laya ay inilarawang Maria Clara. Maria Clara, isang dalagang mahinhin at nagtataglay ng kabutihang asal sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal, isang babaeng nabuhay sa kapanahunan ng mga Espanyol at sa kanyang kapanahunan ang kanyang mga kapwa babae ay sadyang walang karapatan di tulad ng sa mga lalaki. Sila’y itinuturing na hindi marunong lumaban sapagkat mababaw ang tingin sa kanila ng mga kalalakihan. Sila’y labis na pinagkaitan ng kapalaran. Hindi sila hinayaang makapag-aral ng maayos at mabuti dahil ang turing sa kanila sa lipunan ay tagagawa ng mga bata. Sila’y hinayaang manatili sa mga tahanan upang gumawa ng mga gawaing bahay dahil sa paniniwala ng mga Adan ang mga Eba ay likas na mahihina at hindi kayang tumbasan ang mga gawaing ginagawa ng mga lalaki.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ding inaapi ang mga kababaihan kahit na ipinagkaloob na sa kanila ang mga karapatang dapat nilang natamo noon pa man. Marami rami naring batas para sa kanila ngunit hindi ito lingid sa kaalaman ng ilang kalalakihan kaya patuloy pa din ang pagpapahirap at pagpapakasakit ng mga babae ng lipunan. Sa mga ginagawang pang aalipusta ng nakararami ay pagluha na lamang ang kanilang nagagawa.
Isang Cinderella, isa pang itinuturing na larawan ng mga kababaihan. Itinuturing pa din na mahihina ang mga kababaihan sapagkat tulad ng Cinderella at ng iba pang mga prinsesa na inaantay na dumating ang mga prinsipeng magliligtas sa kanila sa anumang kapahamankan. Isang ugali na nagpapatunay na hindi kayang mabuhay kung wala ang lalaking aalalay at aagapay sa kanila. Nangyayari ito dahil kinulong natin ang ating isipan na tanging prinsipe lang ang magbibigay ng maganda at makahulugang katapusan sa istorya ng kawawang mga dalaga.
Sa kabila ng lahat na ang mga kababaihan ay itinuturing na mahihina at walang lakas ng loob may iilan pa ring sinubukan at nagkamit ng tagumpay kahit sila’y isang hamak na babae lamang. Katulad ng mga nakilalang magigiting at matatapang na babae sa kasaysayan ng Pilipinas na may ginampanang malaking papel upang magtagumpay at makamit ng mga Pilipino ang kanilang inaasam na kalayaan. Kahit hindi talaga sila ang nakakuha ng tagumpay at mithiin malaki pa din ang kanilang naiambag. Ilan na lamang sina Gabriela, Teresa, at Tandang Sora sa mga babaeng may malaking papel sa pagkamit ng mithiin ng mga uhaw sa kalayaang mga Pilipino. Hindi sila umasa sa luha at awa. Gumamit sila ng sandata na kadalasay hindi ginagamit ng mga kababaihan dahil ang pakikidigma at pagsali sa mga rebulusyon ay mga gawain lamang ng mga matitipunong lalaki. Sina Lisa, Lorena at Leosa ay hindi natakot makibaka upang magkamit at maidepensa ang mga karapatang pantao ng mga kababaihan. Sila’y hindi hinayaan ng kanilang mga kapwa Eba, sila’y sinuportahan at inalalayan dahil tulad lamang sila ng mithiin. Ang kanilang pagtutulungan ang nagiging susi ng kanilang tagumpay.
Tama ang isinasaad ng awitin. Ang mga babae ay likas na mahihina at madalas na lamang na umaasa sa luha at awa, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay ang kalakasang tutumbas sa mga kakayahang tulad ng sa isang lalaki. Hindi lamang kama ang lugar nila sa lipuan kung hindi ang mga gawaing hindi natin inaakala na kaya nilang gawin. Ang kanilang pakikibaka ay hindi para sa walang kabuluhan. Ang kanilang ginawa ay tama na dapat ipagmalaki. ng kanilang mga natagong kakayahan sa likod ng kanilang mga kahinaan ay huwag hadlangan at sa halip ay pagyamanin. Ang pangarap nilang kalayaan ay huwag ipagkait.
No comments:
Post a Comment